Alam niyo, di ako umalis buong umaga sa bahay. Isip lang ako ng isip. Sulat ng sulat. Ano nga ba ang dapat sabihin sa inyo? Ano ba dapat marinig ninyo?
Para sa akin, mahalaga ang talakayang ito dahil ang halalan sa Mayo ay tungkol sa inyo. Inyong kinabukasan, inyong pera, inyong kalusugan, inyong edukasyon, at higit sa lahat, inyong karangalan.
Ang totoo – wala namang iisang tao na may alam ng lahat ng sagot. Walang iisang taong may alam kung paano baguhin ang sistema na diniligan ng korapsyon, hanggang sa tumubo at yumabong at lumaki, hanggang sa natakpan pati ang araw ng pag-asa.
Maguindanao. Isang OFW umuwi para umattend ng graduation ng anak, hininto ang kotse, binaril sa bibig, hinulog ang bangkay sa hukay pagkatapos isinunod ang kotse na pinalantsa na ng isang government-owned backhoe.
Death by backhoe. At dahil lang sa may gustong magfile ng certificate of candidacy at labanan ang isang mayaman at makapangyarihang angkan.
Mura na ang buhay sa Pilipinas. Yung mga journalists na pinatay sa iisang araw na iyon --- halos isang classroom ng journ students siguro dito sa UP.
Ang 2010 ay tungkol sa Maguindanao.
Ang 2010 ay tungkol din sa pagtutulak ng kariton ni Efren Penaflorida.
Ayon sa statistika – sa isangdaang bata na papasok ng grade 1, 68 lang ang makakaabot ng grade 6. Doon sa 68 na iyon, 43 lang ang makaka-kompleto ng high school. Doon sa 43 na magtatapos ng high school, mga 16 to 18 lang ang makakarating ng kolehiyo.
Kaya’t marami-raming kariton pa ang kinakailangan ni Efren dahil sa dami ng mga bata na hindi nagiging edukado.
Si Efren na din mismo nagsabi, sa mga drop-out sa elementary school, yung iba ay umaalis dahil di kayang magpakita ng birth certificate o kaya kumuha nito. Yung iba, pagnasira o napunit ang textbook, di na pumapasok kasi walang pambayad ng kapalit. Yung iba naman walang pang-xerox. Yung iba di talaga kayang pumasok dahil ni pang-almusal ay wala sila.
Ang 2010 ay tungkol din sa mga nanay, tatay, ate, kuya, bunso na nasa ibang bansa. Doon nakikisilong ang 12% ng ating workforce dahil walang disente at sustainable na trabaho dito sa Pilipinas. Kung meron man, napakaliit ng suweldo. Kung meron man, dekada bago umasenso.
Ang 2010 ay tungkol din sa ating mga OFWs.
Ito ang target natin dapat pagdating sa edukasyon –
Every child a reader by Grade 2
Every child numerate by Grade 3
Every child with a solid Science and Math foundation by Grade 6
Every child proficient in English and Filipino by 2nd year High School
Every HS graduate fully prepared to be university-bound or work-bound.
Kulelat tayo. Ang international standards ngayon sa formal education ay at least 12 years of basic education. Tayo, 10 years lang pag sa public school at 11 years sa private school.
Dehado tayo. Research shows that the single most influential factor in determining how well schools perform and students learn is the quality and performance of our teachers. Yet, how can our teachers perform when they are overburdened with work, saddled with debts, and work in abominable conditions? Ang average ratio raw ng student: teacher ay 36:1. Pero sa Antipolo City, normal na yung may teacher na nagtuturo sa 60 students. Dehado siya dahil overworked, dehado ang mag-aaral dahil underwhelmed.
Ang sagot? Good governance, increased revenues, better quality of life, and a more equitable economy.
Malamang, paulit-ulit niyo na naririnig yan. Ako din.
Good governance. Hindi ito sa salita, kungdi sa gawa..
Si Lee Kuan Yew, tinanggal ang isang opisyal sa Singapore. Bakit? Dahil pumayag siyang tumanggap ng pabor – yung business class ticket niya pina-upgrade ng first class. Iyan ang good governance.
Yung Tatay ko nung labor secretary nang panahon ni Marcos. Sinabihan ang aking mga kapatid – di kayo puwedeng magtrabaho sa DoLE o sa isang recruitment agency, di kayo puwedeng makipag-partner sa sino mang recruiter, bawal kayong humingi ng pabor sa department of labor habang ako ang namumuno dito. Iyan din ang good governance.
Nasa gawa yon, hindi sa dami ng press release. Minsan, iniisip ng nasa poder, pagnagpresscon at lumabas sa media, tapos na ang problema.
Increased revenues. Lahat ng magagandang dapat gawin may price tag. Katulad ng national budget natin para sa 2010. P1.5 Trillion, P255 Billion nito ay para sa debt servicing. Sobra-sobra sa budget ng DepEd na P162-M. Barya lang ang budget ng SUC, P22.3-M. Kaya nga yung mga studyante, nasisingil ng laboratory fee, maski di sila pumapasok sa laboratory. Kasi kulang ang budget. Kasi maski nakalagay sa Constitution na pinaka-malaki ang porsyiento para sa edukasyon, di pa rin nasusunod.
Seksi pa nga ang pangalan. Debt servicing. Pero di siya service with a smile dahil hirap tayong tulungan ang mahihirap, dahil panay bayad natin sa mga utang na minana pa mula sa mga ninuno.
Paano natin makakayanan ang P1.5 Trillion? Uutang ulit.. Vicious cycle yan.
Kung baga sa pagong, hindi lang shell ang dala-dala natin. Condominium, may penthouse pa. Yung nasa penthouse, iyan ang mga nangungulimbat ng pera, andiyan din mga smugglers, mga warlords, mga anak ng anak ng politico na naka-wang-wang at mga kabit ng politico na may mga bodyguards.
Better quality of life. Bakit ba ang mga senior citizens kailangang isama pa sa EVAT pagbumibili ng gamot? Di na nga natin mabigyan ng mahusay na health benefits, pinaparusahan pa natin dahil sa kanilang pagtanda. Yung mga yan nagsilbi na maski papaano sa kanilang mga pamilya at sa bayan. Tanggalin na mga senior citizens sa pagbabayad ng EVAT sa gamot.
Edukasyon. Sa Amerika, maski anak ng magsasaka nakakapagtapos ng college. May study now, pay later. Pagnagkatrabaho, doon magbabayad. Dito meron din ang CHED. Alam ba ninyo yon? Kaya lang 2,000 lang ang beneficiaries at nasa 2% lang ang repayment rates.. Baguhin natin. Palawakin ang programa at higpitan ang koleksyon.
Equitable economic opportunities. Ang mayayaman sa Pinas lalong yumayaman. Ang mahihirap, umaalis. Kaya’t 3,000 ang Pilipinong umaalis bawat araw. Bukod pa diyan yung umaalis sa backdoor. Kasi mas mabilis umasenso ang umasenso na. Sana mas patas ang laban. Merit system, hindi paramihan ng calling card sa wallet. Isang malaking dagok ang SC decision dito sa pagpapapayag sa appointive officials na tumakbo maski di magresign. Umpisa na ito ng pagbaba ng morale ng mga matitino, at pagmamayagpag ng mga malilikot ang isip.
Tumatakbo ako dahil ayokong kung ano ang sistemang kinalakihan ko, ay yun din ang dadatnan ng inyong mga anak. Ngayon, mabigat ang feeling ng pagiging Pilipino. Kasi, we have lost our way. Para tayong talahib sa hardin ng rosas. Ang Asya ang rosas. Tayo ang talahib, na walang gustong mamitas. Gusto kong gumaan – di lang sa timbang ha? – gusto kong gumaan ang feeling ninyo bilang mga Pilipino.
Gusto kong makita na sa loob ng anim na taon, mas kaunti ang umaalis ng bansa by design, hindi by default.
Bilang isang maka-manggagawa, ito ang aking 5-point agenda:
Boost local employment by developing together with the private sector, a 6 to 10 year national strategic employment plan. Use our embassies, the recruitment industry, and economists to forecasts job trends and align our voc-tech and educational curriculum to reflect the same.
Stop abusive labor-only contracting practices. Mahirap bumuhay ng pamilya sa pa-5 months, 5-months na kontrata lamang. Kailangang may tripartite agreement sa kung anong uri lamang ng trabaho ang puwedeng i-supply ng agency. Bawal din dapat ang isang korporasyon na magtayo ng sariling in-house employment agency. At dapat sana, kung ano ang basic rights ng isang regular employee, ganun din ang matamo ng isang contractual employee.
End human trafficking. Tougher sanctions versus immigration and airport officers who serve as escorts of trafficked victims; amendment of section 6 of the Anti-Trafficking Act to remove the right of the accused to privacy.
Reintegration program for returning OFWs in all provinces with private sector participation. “Golden Guros” – ex-OFWs can fill this role. Those in dire need of legal and social welfare assistance must be helped by both the national and local governments.
Labor justice should not take years. Higher professional standards and a more specific and transparent selection criteria will lead to a less corrupt NLRC and POEA.
Marami pang puwedeng gawin. Marami pang dapat sabihin.
Sampung araw na lang Pasko na. Sana ang Pasko natin sa 2010 ay higit na mas masagana, higit na mas masaya, higit na mas matiwasay, dahil tama ang pipiliin natin sa darating na halalan.
Salamat at muli, Merry Christmas!
*This is a speech given by Susan "Toots" Ople at the forum HER TIME IS UP: 2010 Election Forum Series yesterday at University of the Philippines Diliman, Quezon City.
No comments:
Post a Comment